Cannes winner Jaclyn Jose shrugs off critics of her Best Actress award

Cannes winner Jaclyn Jose shrugs off critics of her Best Actress award

Jaclyn Jose holding her Best Actress trophy from the prestigious Cannes Film Festival. The veteran actress reveals to the press that she worked hard for her memorable final scene in Ma' Rosa, which the jury took notice. Photo by: Noel Orsal
(Jaclyn Jose holding her Best Actress trophy from the prestigious Cannes Film Festival. The veteran actress reveals to the press that she worked hard for her memorable final scene in Ma’ Rosa, which the jury took notice. Photo by: Noel Orsal)

Dalawang araw mula nang tanghalin siyang Best Actress sa 69th Cannes Film Festival sa France ay nakabalik na ng Pilipinas ang veteran actress na si Jaclyn Jose.

Nanalo si Jaclyn para sa mahusay niyang pagganap sa pelikula ni Brillante Mendoza na Ma’ Rosa.

At gaya ng inaasahan, nasentro ang usapan tungkol sa pagkapanalo niya bilang Best Actress sa Cannes.

Tugon niya, “If you see the film, you’ll say it’s not a supporting [role]. You’ll see.”

Kaugnay ng isyung ito, una nang nagsalita ang members ng Cannes jury at ipinagtanggol ang pagkakapili nila kay Jaclyn.

Ang jury ay binubuo ng mga respetadong alagad ng sining mula sa iba’t ibang bansa; kabilang ang Hollywood personalities gaya nina George Miller (Mad Max director), Kirsten Dunst (Melancholia), Mads Mikkelsen (Hannibal), at Donald Sutherland (The Hunger Games).

Sa nasabing press conference, binanggit ni Sutherland ang huling eksena sa Ma’ Rosa kung saan makikita si Jaclyn na kumakain ng fish balls.

Sang-ayon si Jaclyn na ito ang eksenang nagpanalo sa kanya.

Sabi niya, “Tingin ko rin, yun nga rin. Pinaghirapan ko yun, ha. Kinarir ko yun.

“Kailangan di mahalata ni Dante na [hindi umaarte]… low key. Kailangan di umaarte.”

Nakapukaw rin ng atensiyon ng marami ang display of affection ni Jaclyn at ng anak niyang si Andi Eigenmann nang ianunsiyo ang pagkapanalo niya.

Hanggang sa stage ay kasama si Andi para sa acceptance speech ng ina.

Pag-amin ni Jaclyn, “Ang alam namin, wala kaming panalo.

“So, sabi ko, ‘Andi, mag-pack tayong maaga, ha, kasi bukas daan pa tayong Cannes, bili pa tayong souvenir,’ sabi ko.

“So, we just thought we’re gonna go home early.”

(Source: www.pep.ph)

Facebook Comments
Be Sociable, Share!
Facebooktwittergoogle_plusredditpinterestlinkedinmail

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *